1,323 bagong kaso ng COVID-19 naitala, pinakamataas mula Pebrero
Spread the news on:

Naitala ang 1,323 bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo, July 3, ayon sa Department of Health.

Ito na ang pinakamataas na bilang sa isang araw sa loob ng mahigit apat na buwan o mula noong Pebrero 25.

14 ang bilang ng mga namatay sa 60,592 total deaths.

Ang active cases ay umakyat sa 9,703 noong Linggo, mula sa 9,105 noong Sabado. Ito na ang highest active cases mula noong April 27.

Base sa bagong datos mula sa DOH, ang National Capital Region ang may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo na umbot sa 5,520.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,107 cases, at Central Luzon, 958 kaso.

Ayon sa DOH, mababa pa rin naman ang bed occupancy na nasa 18.3% o 5,362 ang mga okupadong kama sa mga ospital, kaya sabi ng ahensya hindi pa inirerekomendang magtaas ng alert level lalo na sa NCR na ngayo’y nasa pinakamaluwag na alert level 1.

Paalala ng mga eksperto, kahit mild lamang ang mga sintomas, dapat maiwasang mahawa ang mga vulnerable population gaya ng mga matatanda, immunocompromised o mga indibidwal na may iba pang sakit.

Susunod na DOH secretary

Samantala, wala pang naitatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong kalihim ng Department of Health na papalit kay dating Sec. Francisco Duque III.

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya sa publiko na patuloy nilang ipinatutupad ang COVID protocols.

“Our current pandemic response protocols continue to be implemented. Everything is status quo until new directives from our new President come in,” ayon sa DOH.

“The country’s Covid-19 response actions, along with actions for all other non-COVID health matters, continue through senior DOH officials supervising specific bureaus, offices and units. We await and are ready for the announcement of the next Secretary of Health,” dagdag ng DOH.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.