Sahod ng mga nurse dapat itaas sa P50,000 kada buwan ayon sa Filipino Nurses United
Spread the news on:

Hinikayat ng Filipino Nurses United (FNU) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas ang entry salary ng mga nurse sa bansa.

Ayon kay FNU president Maristela Abenojar, hindi na kasi sapat ang sahod ng mga nurse kung ikukumpara ito sa inflation ngayon at living wage sa bansa.

Aniya, ilang nurse ang sumasahod lang ng P8,000 hanggang P10,000 kada buwan.

“Top most po doon sa 10 laman ng agenda ay itaas ang sahod ng nurses sa mga pampubliko at pampribado. Gawin po itong P50,000 a month. Yan po ang entry salary,” giit ni Abenojar.

Dagdag pa niya, 71% sa medical workers ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang One COVID allowance.

Pati umano ang special risk allowance ay hindi pa naibibigay sa ilang benepisyaryo mula sa mga pribadong ospital na dapat ay noon pa nila nakuha.

Nauna rito, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang inaugural speech na aayusin ng kanyang administrasyon ang mga pagkukulang ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.

“There were shortcomings in the COVID response. We will fix them out in the open. No more secrets in public health,” ayon sa pangulo.

Ayon naman kay Abenojar, maghaharap ang kanilang grupo ng 10-point nurses agenda sa bagong administrasyon.

 

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.