Unvaccinated workers na sakop ng alert level 2, kailangan nang magpa-COVID test
Spread the news on:

(File photo antigen test)

Kailangan nang sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo o antigen test kada linggo ang mga manggagawang hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na nasa lugar na sakop ng alert level 2.

Ayon kay acting presidential spokesperson at communications secretary Martin Andanar ngayong Martes, June 28, dapat i-require ng mga business establishments sa kanilang mga empleyado na naka-duty on-site na magpabakuna laban sa COVID-19, lalo na kung sapat ang supply ng bakuna sa kanilang lugar.

Gayunman, sa mga ayaw magpabakuna, kailangang isailalim sa regular na COVID testing ang mga unvaccinated employees.

“Testing requirements mentioned above shall be waived for areas under Alert Level 1 classification, subject to the implementation of clinical-based management, including symptomatic testing,” ayon kay Andanar.

“However, aforesaid testing requirements shall be reinstated in areas under Alert Level 2 classification or higher,” dagdag ng communications secretary.

Sabi ni Andar, maaaring akuin ng local government units at iba pang public sector ang bayarin sa testing ng kanilang mga empleyado, pero depende kung may available na pondo at kung naaayon sa civil service, accounting at auditing rules at regulations.

Hindi naman sakop ng testing requirements ang mga empleyadong may alternative working arrangements.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.