WHO: Monkeypox outbreak, hindi pa itinuturing na global health emergency
Spread the news on:

Hindi pa maituturing na global health emergency ang monkeypox outbreak kahit na nakababahala ang paglaganap nito, ayon kay World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus nitong Sabado, June 25.

Limang oras nagpulong sina Ghebreyesus at komite na kinabibilangan ng mga scientists at public health experts, para malaman kung kinakailangan na bang ideklara ang global health emergency, na pinakamataas na alarm ng WHO.

“They advised me that at this moment the event does not constitute a Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), which is the highest level of alert WHO can issue, but recognised that the convening of the committee itself reflects the increasing concern about the international spread of monkeypox,” ayon sa WHO chief.

Naiulat ang surge ng monkeypox simula noong May sa Western Europe.

Dati ay laganap lamang ito sa mga bansa sa West at Central Africa. Sa ulat ng WHO, pumalo na sa 3,200 ang confirmed cases ng monekypox sa 50 bansa.

Bagama’t hindi pa itinuturing na global health emergency, paalala ng WHO na ang monkeypox ay nagpapatuloy na banta sa kalusugan na nararapat tugunan sa pamamagitan ng surveillance, contact-tracing, isolation, pagtutok sa pasyente at pagtiyak na may bakuna lalo na sa mga at-risk population.

“However, the committee unanimously acknowledged the emergency nature of the event and that controlling the further spread of outbreak requires intense response efforts,” ayon sa WHO chief.

Lumalabas din sa pag-aaral ng WHO na karamihan ng tinamaan ng monkeypox ay mga lalaking nakipagtalik sa kapwa lalaki.

“The vast majority of cases is observed among men who have sex with men, of young age,” ayon sa WHO report.

Na-obserbahan naman na bumagal na ang pagtaas ng kaso sa ilang bansa at posibleng papunta na ito sa downward trends.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, pero naghahanda na ang gobyerno sa pagtugon sakaling pumasok ang sakit sa bansa.

Paiiralin ng Department of Health (DOH) ang four-door strategy o ang prevent, detect, isolate, treat and reintegrate. Itinalaga ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bilang main isolation facility para sa mga suspect, probable at confirmed monkeypox cases.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.