Poe: Pagkaantala ng delivery ng national ID hindi makatarungan
Spread the news on:

Kinalampag ni Senator Grace Poe ang gobyerno kaugnay sa pagkaantala sa pag-imprenta at delivery ng national ID.

Mahigit isang taon na kasi ay marami pa rin ang hindi nakatatanggap nito, kahit sinabing 4 to 6 months lang ay makukuha na ang ID.

“The government must address the delays in the printing and delivery of the National ID to provide our people a valid proof of identity in one card. The long wait of six months to over a year to get the ID is unjustifiable,” giit ng senadora.

Sabi ni Poe, chairperson ng Senate public services committee, inaasahang sa tulong ng national ID ay mas mapapadali ang pamamahagi ng fuel vouchers, health benefits at ayuda na higit na kailangan ngayon ng mga kababayan sa gitna ng pandemya at pagsirit ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

“The Filipinos have given the program a chance. It’s high time that the government does its share by delivering the National ID to our citizens without further delay,” sabi ni Poe.

Paliwanag naman ni Fred Sollesta, ang Deputy National Statistician ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa interview ng CNN Philippines, hindi kayang sabayan ng card production ang dagsa ng mga nagparehistro.

Inuna rin aniya ang pag-imprenta ng cards ng mga low income individuals.

“May mga nakita na kaming alternative solutions, wherein magkaroon kami ng alternative mode na mobile app which contains na mobile ID, yung digital version niya, yung printable IDs which has the same effect o functionalities niya with the physical card,” ayon kay Sollesta.

Hanggang nitong June 10, mahigit 67 million na ang nag-register para sa National ID pero tinatayang 12 million pa lamang ang na-deliver na ID.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 162 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Pebrero, iniutos na kilalanin ang national ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao para sa lahat ng government at private transactions.

Ang Philippine Identification System (PhilSys) ay magsisilbing pangunahing identification platform ng gobyerno sa lahat ng mga mamamayan at resident aliens sa Pilipinas.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.