Libreng sakay sa Edsa bus carousel extended hanggang July 31
Spread the news on:

Extended hanggang July 31 ang libreng sakay sa Edsa Busway Carousel, kahit hanggang Hunyo 30 na lamang ang “Libreng Sakay” program kasabay ng pagtatapos ng termino ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) executive director Tina Cassion, tugon ito sa panawagan ng publiko na i-extend ang libreng pasahe dahil malaking tulong ito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

“We want to extend the program, but, of course, but we [will] need some supplemental budget on this, ” ayon kay Cassion sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

“Even if we say that the funds are exhausted, but because of the widespread participation, we can say that more and more commuters were served, especially high-volume routes were served, that’s why people are really clamoring for the extension,” dagdag ni Cassion.

Bukod sa Edsa Carousel, pinalawig din ang libreng sakay sa Montalban to Quezon Avenue route.

Ang extended free ride program ay mula 4 a.m. hanggang 11 p.m.

Sa ilalim ng programa, idinadaan sa operators ang sahod at iba pang benepisyo ng mga tsuper na nagseserbisyo sa carousel.

Sabi ni Cassion, nakatanggap ang ahensya ng liquidation report mula sa operators na nagpapakitang fully paid na ang mga driver.

Kaya babala ng LTFRB, mananagot ang mga operator, sakaling matanggap ng reklamong hindi pa nababayaran o naantala ang pagbayad sa mga driver.

“We can go after [the operators] for breach of that contract if only [the drivers] will file something before us,” babala ni Cassion.

Samantala, ang libreng sakay naman sa MRT-3 ay mahihinto na sa Hunyo 30.

Ayon sa Department of Transportation, ipinauubaya na nila sa susunod na administrasyon kung itutuloy pa ang programang libreng sakay sa railway.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.