Duterte kay Marcos: Ituloy ang mga proyektong magpapasaya sa tao
Spread the news on:

Umaasa si outgoing President Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ng kanyang successor na si President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang mga proyektong makapagpapasaya sa mga tao.

Bahala na aniya ang kanyang mga kaalyado sa Senado na sina Senator-elect JV Ejercito at Senator Christopher “Bong” Go na hikayatin si Marcos na isulong ang kanyang mga nasimulang proyekto.

“So I hope that the program, nandito man si senator — dalawa. Sana sila na ang mag-udyok sa administrasyon na hindi kalimutan yung mga proyektong naumpisahan na napakaganda,” ayon kay Pangulong Duterte sa turnover ceremony ng residential units para sa uniformed workers sa Davao City nitong Huwebes, June 23.

“I hope that the next administration will also continue the things that make our people happy. Although not all, but yung makita sila that we are doing something with the money of the people,” dagdag ng pangulo.

Muling iginiit ng Chief Executive na ginawa niya ang lahat para mapasaya ang mga Pilipino.

Aniya, ang pabahay na ibinigay sa mga empleyado ng gobyerno, OFWs at uniformed personnel ay patunay na napupunta sa tao ang pera ng gobyerno.

“The low-cost housing program is our way of giving back to the country’s hardworking uniformed personnel and civil servants.  Ibig kong sabihin bumabawi lang rin ang gobyerno sa sakripisyo ninyo,” sabi ni Duterte.

Nangako rin ang pangulo ng pabahay para sa typhoon victims at mga miyembro ng indigenous people (IP) community, at dating rebelde na sumuko sa gobyerno.

Nauna rito, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang flagship infrastructure program na “Build, Build, Build” at drug war ng dministrasyong Duterte.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.