Duterte admin umutang ng $178.1-M para labanan ang malnutrisyon
Spread the news on:

Inaprubahan ng World Bank ang $178.1-million o ₱9.7 bilyong utang ng Pilipinas na gagamitin para palakasin ang mga programa ng gobyerno laban sa malnutrisyon.

Ayon sa Washington-based lender, inaprubahan ang loan na gagamitin para pondohan ang multisectoral nutrition project na layong mabawasan ang kakulangan ng nutrisyon sa mga sanggol, bata at buntis.

Sabi ng World Bank, sakop ng proyekto ang pagbibigay ng supplements, regular growth monitoring at treatment sa beneficiaries.

May information campaign din sa mga piling pamilya at magbibigay ng performance-based grants sa local government units.

235 mahihirap na munisipyo ang inaasahang makikinabang sa proyekto na pangangasiwaan ng Social Welfare at Health departments.

“The persistence of high levels of childhood undernutrition in the Philippines, exacerbated by the COVID-19 pandemic, could lead to a significant increase in inequality of opportunities in the country,” ayon kay Ndiamé Diop, World Bank Country Director para sa Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand.

“Improving children’s nutritional status leads to the Philippines’ target of strengthening human capital along with its economic rebound and long-term growth prospects,” dagdag ni Diop.

Wala pang inilalabas na detalye ang World Bank kaugnay sa interest rate at terms of payment ng $178.1 million loan.

Sa bagong datos mula sa Bureau of Treasury hanggang nitong Abril, lumobo na sa mahigit 12.76 trilyong piso ang utang ng Pilipinas mula sa domestic at foreign sources.

70 porsyento ng pagkakautang ay mula sa mga lokal na institusyon at 30 porsyento naman ay mula sa mga dayuhang bansa o institusyon.

Ito na ang pinakamalaking pagkakautang ng pambansang gobyerno sa kasaysayan, kung saan isa sa mga dahilan ang ay paggastos sa COVID-19 response.

(Toni Tambong; NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.