Wattah Wattah festival sa San Juan City balik na bukas
Spread the news on:

Balik na ulit bukas ang Wattah Wattah Festival ng San Juan City dalawang taon matapos itong mahinto dahil sa COVID-19 pandemic.

Taun-taon inaabangan ng marami ang Wattah Wattah Festival o ang tradisyunal na basaan bilang paggunita sa pista ng patron ng lungsod na si San Juan Bautista.

Sa panayam ng GMA 7, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na pinapayagan na ang ganitong pagdiriwang dahil nasa Alert level 1 na ang Metro Manila.

“265 percent po ang ating fully-vaccinated na at tayo rin po ang nanguguna sa booster shots at 85 percent. Yung ating mga mamamayan po ay protektado na ng bakuna,” sabi ni Zamora.

Gayunman, nagpaalala pa rin ang lokal na pamahalaan sa mga taga-San Juan na sundin ang minimum public health standards at ang pagbabawal sa pagbasa ng marumi at mainit na tubig sa pagdiriwang ng kapistahan bukas.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.