Piso vs dolyar, bagsak; P54 – $1 ang palitan
Spread the news on:

Bagsak ang halaga ng piso kontra U.S. dollar.

P54.065 kada $1 ang palitan ngayon.

Ito na ang pinakamababang antas ng piso mula noong October 2018 nang pumalo sa P53.75 ang palitan.

Samantala, huling bumaba sa P54 level ang halaga ng dolyar kontra piso noong 2005.

Ayon naman kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno, hindi dapat maalarma sa paghina ng piso.

“Hindi dahil mahina ang piso, kundi malakas masyado ang dolyar. All currencies are responding to the strength of the dollar,” ayon kay Diokno.

Hindi rin umano repleksyon ng mahinang ekonomiya ang pagbaba ng halaga ng piso.

Isa sa mga sektor ng ekonomiya sa pagbaba ng piso ay ang importers dahil magreresulta ito sa mas mahal na materyal na kanilang inaangkat.

Hindi rin maiiwasan ang epekto ng mahinang piso sa presyo pa rin ng petrolyo sa bansa na hindi pa man ay talagang patuloy ang pagtaas.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.