Grupo ng mga guro pumalag sa pagpapaluwag ng physical distancing sa face to face classes
Spread the news on:

(File photo: Mga estudyanteng lumahok sa face to face classes.)

Binatikos ng isang grupo ng mga guro ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na luwagan ang physical distancing sa mga paaralan sa susunod na school year sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1.

“Matapos ang dalawa at kalahating taon ay babalik lang pala tayo sa dating gawi. Ano ang ginawa ng pamahalaan para gawing pandemic-resilient ang mga paaralan? Nasaan ang mga dagdag na classroom at guro para sa sinasabi nilang ‘better normal’?” ayon kay Vladimir Quetua, tagapagsalita ng  Alliance of Concerned Teachers Philippines (ACT).

“The importance of reducing the class size is even beyond health and safety considerations because an ideal class size is crucial to the quality of education our students get especially now that we are under a severe learning crisis,” dagdag ni Quetua.

Nauna nang sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang hakbang ay batay sa pinakabagong guidelines mula sa Department of Health (DOH).

Gayunpaman, idinagdag ni Malaluan na limitado pa rin ang bilang ng mga estudyanteng pinapayagan sa loob ng mga campus at tanging ang mga paaralan sa ilalim ng Alert Level 1 at 2 lamang ang maaaring magsagawa ng face-to-face classes.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng DOH na ang pagdalo sa mga pisikal na klase ay mabuti para sa mental health ng mga mag-aaral.

“F2F promotes physical and mental health and well-being.  This is based on the latest scientific evidence,” ayon sa DOH.

“Face-to-face attendance in school will allow children to develop their cognitive and social skills experientially,” ayon naman sa Deped.

Sa ngayon, humigit-kumulang 80% ng mga paaralan ang handang magsagawa ng in person classes.

Inaasahan naman ng DepEd na madaragdagan pa ang mga paaralan na magsasagawa ng face to face classes sa darating na pasukan ngayong Agosto.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.