DILG sa barangay officials: Mga kasambahay, iparehistro na
Spread the news on:

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay na magtakda ng registration system para sa household workers o kasambahay para maprotektahan ang karapatan ng mga ito.

Sa isang kalatas, sinabi ng DILG na nagbigay ito ng kautusan matapos malaman na 3,359 lamang mula sa 42,046 barangay sa buong bansa ang nagrehistro ng kanilang household helpers.

“We direct our Punong Barangays (PBs) to be more proactive in instituting a registration system for our helpers as it is critical to ensuring that they are accorded the full protection of the law,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

“With the care and service they [kasambahays] provide to households, especially to parents and their children, domestic workers deserve safe and healthful working conditions,” dagdag na pahayag nito.

Ayon sa DILG, ang mababang turnout para sa registration ay nagpapahiwatig ng non-compliance sa probisyon ng Republic Act  10361 o “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay.”

Sa ilalim ng batas, dapat na gumawa ang punong barangay ng Registry of Kasambahay sa kanilang nasasakupan para irehistro ng bawat employer ang kanilang kasambahay na nasa ilalim ng kanyang employment.

Kailangan din na i-enroll ng employer ang kanilang household helper sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.

Ang Region V ang may pinakamaraming barangay na sumusunod sa nasabing patakaran.

Mayroon itong 627 registered kasambahay, sinundan ng Region VI na may 584 at Region VIII na may 499. Karamihan sa mga rehiyon ay nakapagrehistro ng mababa sa 200 per barangay.

Samantala, ipinag-utos din ni Año sa city at municipal mayors na tiyakin na ang punong barangay ay sumusunod sa batas.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.