Dating PAL boss, DOTr secretary ni Marcos; Bello at Nograles pasok din sa bagong gabinete
Spread the news on:

Pinangalanan ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. ang ilan pang magiging miyembro ng kanyang gabinete, ilang araw bago pa ang kanyang inagurasyon.

Pasok ang dalawang outgoing officials mula sa Duterte administration na sina Labor Secretary Silvestre Bello III dating Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Itinalaga ni Marcos si Bello bilang pinuno ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at muling ini-nominate si Karlo Nograles bilang Civil Service Commission (CSC) Chairman-designate.

Si Nograles ay kabilang sa Duterte ad-interim appointees na na-bypass bunsod ng kakulangan ng  quorum  ng Commission on Appointments (CA) kamakailan.

Samantala, napili naman ni Marcos Jr.  si dating Philippine Airlines (PAL) president at chief operating officer Jaime Bautista bilang  incoming secretary ng Department of Transportation (DOTr) kapalit ni Sec. Arthur Tugade.

Magiging DOTr Railways undersecretary-designate naman si Cesar Chavez, ang dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Deputy Administrator.

Nominado naman bilang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson-designate si Atty. Cheloy Garafil at si Christopher Pastrana bilang general manager-designate ng Philippine Ports Authority (PPA).

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.