CPP, binatikos ang utos ni Nat’l Security Adviser Esperon na i-block ang kanilang websites
Spread the news on:

Pito lamang sa mahigit 20 websites na iniutos na i-block ang access ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kaanib sa Communist Party of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines, sinabi ng partido nitong Miyerkules.

Sa isang pahayag, kinondena ni CPP chief information officer Marco Valbuena ang kahilingan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. para sa mga internet service provider na i-block ang mga website na umano’y naka-link sa ‘communist terrorists’ at idiniin na ito ay isang uri ng censorship at pagsugpo sa karapatan ng mga tao sa malayang pananalita laban sa papasok na administrasyong Marcos.

“CPP denounces the National Security Council and various agencies of the reactionary government for the push to erect a Marcos Anti-Democracy (MAD) Internet Firewall in a desperate bid to censor online criticism and dissent against the incoming illegitimate Marcos II regime, as well as suppress progressive, patriotic and revolutionary journalism and literature that exposes the ills of the ruling system,” aniya.

Kabilang sa mga site na hinarang ng NTC ay ang mga progresibong grupong Save Our Schools Network, Rural Missionaries of the Philippines, Pamalakaya Pilipinas, at BAYAN. Kasama rin dito ang mga independent news organization na Bulatlat at Pinoy Weekly.

Sinabi ni Valbuena na ang insidente ay “pambungad lamang na eksena para sa pangkalahatang crackdown laban sa Philippine media” ng gobyerno sa pamumuno ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“The push for the MAD Firewall is a direct outcome of the so-called Anti-Terrorism Law and exposes its real authoritarian and draconian intent. In fact, the MAD Firewall has nothing to do with ‘anti-terrorism’ as it is nothing but barefaced censorship. It shows how ‘anti-terrorism’ is being used as an arbitrary category to suppress all forms of opposition and people’s resistance,” giit pa niya.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.