Buhawi, nanalasa sa Maynila, mga puno nagtumbahan
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Screengrab from Jeff Epoy Carreon video)

Trending sa social media ang ilang video ng umano’y buhawi sa Maynila kahapon.

Nagdulot ng pinsala ang pananalasa sinasabing buhawi.

Nagsimulang manalasa ang buhawi kahapon pasado alas singko ng hapon.

Nagdala itong ng malakas na hangin na may kasamang pag-ulan.

Makikita rin sa video ang mga nagtumbahang puno dahil sa malakas na hangin

 

Nawasak din ang mga barikada sa drainage project sa lugar..

Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa pananalasa ng buhawi.

Nag-ikot kagabi ang mga tauhan ng Manila DRRMO at inalis ang mga natumbang puno na nakaharang sa mga kalsada.

(Photos courtesy: Ronan Li)

Ayon naman sa eksperto, posibleng rain burst at hindi buhawi ang nanalasa sa Maynila kahapon.

Ang mga buhawi ay nabubuo sa pag-ikot ng hangin sa base o ilalim ng isang cumulunimbus clouds kung may malakas na pagsingaw ng hangin mula sa kalupaan.

Dahil dyan ay mabilis na umikot kapag nagsasalubong ang mga hangin.

Noong isang araw, June 21 araw ng Martes ay nag-viral din ang litrato at video ng isang buhawi na namataan sa General Trias, Cavite.

(Photo courtesy: Miles Mialen Hmua)

Makikita rin sa litrato na may nabuong funnel o cone dito.

Maari namang isang “rain burst” ang nakunan na tumama sa Maynila kahapon at hindi buhawi.

Napagkamalan lamang itong buhawi dahil nagtataglay ito ng malakas na hangin at ulan.

 

Ang rain burst ay isang malakas na pagbuhos ng ulan sa isang maliit o limitadong lugar.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.