‘Adviser to the adviser’ ang magiging papel ni dating agriculture secretary Piñol sa Marcos administration
Spread the news on:

(Photo Courtesy:Manny Pinol Facebook)

Magsisilbi bilang food security adviser kay incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos si dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol.

Ito ay matapos mapili ni Carlos si Piñol para maging “adviser to the adviser”.

“Yes. Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol.

Sabi pa ni Piñol, sinang-ayunan niya si Carlos na ang food security ay dapat na ikonsidera bilang national security concern.

“Food security is an important component of national security,” sabi pa niya.

Si Piñol ay itinalaga bilang Agriculture secretary noong 2017 subalit nagbitiw sa tungkulin noong 2019 matapos ang sinasabing “conflict” sa economic team ng administrasyong Duterte.

Sabi pa niya, ang nagbabadyang food crisis ay nararamdaman na ng mga mamamayang Pilipino.

Ilan sa sinasabing dahilan ng banta sa food security, ayon pa kay Piñol ay ang limitadong rice exportation at mataas na presyo ng trigo ng mga bansang Thailand at Vietnam.

“The Philippines was close to reaching rice self-sufficiency in 2017 but it was hindered by the implementation of the Rice Tariffication Law, which allows more importation,” sabi pa ni Pinol.

“Nandoon na sana tayo, 2017, for the first time sa kasaysayan ng Pilipinas, umani tayo ng mataas na ani, 19.28 million metric tons,” dagdag pa niya.

Ayon sa Pinol, ang bansa ay mayroong kakapusan sa bigas na 700,000 metric tons noong 2017.

Ngayon ay umaangkat ang Pilipinas nang 3 million metric tons na bigas para punan ang supply gap.

Dahil dito, inirekomenda ni Piñol ang rice sufficiency strategy roadmap na nakatuon sa irigasyon, paggamit ng high quality hybrid at inbred seeds, fertilizers, at pagbuo ng “good price.”

Sinabi rin ni Piñol na kalahati lamang ng mga taniman ng palay ang isang beses lang kung maanihan kada taon dahil sa kakulangan sa irigasyon.

Ito umano ang isa sa dahilan ng  mababang ani bawat ektarya sa kada taon.

Bago pa man  umalis noon  sa kanyang puwesto, na-organisa na ni Piñol ang P40-billion loan mula Israel upang magtayo ng solar-powered irrigation system, kabilang na ang technical support, na maaaring sumakop sa 500,000 ektarya ng lupa.

“Anong nangyari? Nandoon, natutulog sa [National Economic and Development Authority – Investment Coordination Committee] yung offer ng Israel na P40 billion na pautang,” ayon kay Piñol.

Ayon kay Piñol, tatlong buwan lang ang paggawa sa nasabing proyekto at mapakikinabangan na ng mga magsasaka kumpara sa kung magtatayo ng mga bagong irrigation dam.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.