1,000 patay sa 5.9 M na lindol sa Afghanistan
Spread the news on:

(Photo: Mga Taliban official at mga residente habang tinitingnan ang naging pinsala ng tumamang lindol sa Afghanistan. Courtesy, Bakhtar News Agency.)

Higit 1,000 na ang nasawi sa magnitude 5.9 na lindol na yumanig sa Afghanistan, ayon sa isang opisyal.

“The number is increasing. People are digging grave after grave,” sinabi ni Mohammad Amin Huzaifa, head ng Information and Culture Department sa Paktika, sa mga mamamahayag.

Samantala, tinataya naman sa 1,500 ang mga sugatan dahil sa lindol.

Ayon sa ulat, tumama ang lindol 1:30 ng madaling araw sa Kabul, kung kailan marami na ang himbing sa pagtulog.

Bago pa man sakupin ng Taliban ang lugar, ang mga emergency response team ng Afghanistan ay hirap nang tugunan ang mga natural disaster na tumatama sa bansa.

“The government is working within its capabilities,” saad sa tweet ni Anas Haqqani, isang senior Taliban official.

“We hope that the International Community & aid agencies will also help our people in this dire situation.”

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.