Unang kaso ng Omicron subvariant BA.5 naitala sa CDO
Spread the news on:

Kinumpirma ng health authorities sa Cagayan De Oro City (CDO) ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) Omicron subvariant BA.5 sa lungsod.

Sa isang online press briefing, sinabi ni Dr. Teodoro Yu Jr., ang City Health Office (CHO) medical officer, ang infected na indibidwal ay isang 38-anyos na lalaking seafarer mula sa Barangay Bugo, na bumiyahe sa Egypt at Manila.

Agad na sinimulan ng mga tauhan ng CHO ang contact tracing matapos nilang matanggap ang ulat noong June 17, sabi pa ni Yu.

Sinabi naman ni Dr. Ellenieta Gamolo, ang Department of Health-Northern Mindanao (DOH-10) assistant director, ito rin ang unang Omicron subvariant BA.5 na nakita sa rehiyon.

Ayon sa profile ng kaso ng CHO, ang seafarer ay na-swab sa Supercare Medical Services sa Makati City noong March 19 kung saan siya ay kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Ang sample ay ipinasa sa Genome testing center at ang resulta para sa Omicron subvariant BA.5 ay inilabas noong June 13.

Ang infected na indibidwal, kasama ang kanyang dalawang first-generation close contact, ay muling nasuri noong June 14 sa pamamagitan ng RT-PCR test at lahat naman sila ay negatibo na sa virus.

“We will not be complacent. Our team is going for the second and third-generation close contacts. We noticed that there was already a long timeline, but we should implement extreme precautions,” sabi pa ni Yu.

Sinabi niya na ang subvariant ng Omicron ay mabilis na naililipat ngunit may mas kaunting kalubhaan kumpara sa iba pang mga variant ng Covid-19.

Pinaalalahanan din ni Yu ang publiko sa kahalagahan ng pagbabakuna bilang isa isang proteksyon ng mga tao laban sa COVID-19.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.