Marcos nababahala sa katiwalian sa Dept. of Agriculture at Customs, ayon kay Sotto
Spread the news on:

Mabuting desisyon ang ginawa ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang Department of Agriculture (DA), ayon kay outgoing Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Sotto, isa ang DA sa mga tanggapan ng gobyerno na ikinababahala ni Marcos dahil sa umano’y talamak na katiwalian; ang isa pang ahensya ay ang Bureau of Customs (BOC).

“When we were talking about it, he (Marcos) was shaking his head… I sensed it — his facial expression and the way he was shaking his head. He was disgusted with what he was hearing,” ayon kay Sotto sa panayam ng mga mamamahayag.

“He did not need commit to me or anything like that but I sensed na sa pag-uusap namin, na sense ko na talagang bothered siya dun sa corruption na mga pinag-uusapan sa DA, sa Customs,” dagdag ni Sotto.

Ayon sa Senate President, naganap ang kanilang pag-uusap ni Marcos matapos ang kanyang proklamasyon sa Kongreso noong isang buwan.

Kumpiyansa si Sotto na bubusisiin ni Marcos ang lahat ng mga bagay sa kanyang pag-upo sa puwesto sa Hunyo 30.

“The Department of Agriculture has been embroiled in so much corruption, especially in the issue of smuggling, technical smuggling and what have you,” ayon sa Senate President.

“Then there’s a bad influence between the Bureau of Customs and the Department of Agriculture. Kaya… it’s an excellent decision of the President,” aniya.

Ayon kay Sotto, maraming impormasyong hawak si Marcos.

“As a matter of fact, I’m not sure if I’m at liberty to say so but I know for a fact that he already has a list of those involved in the smuggling,” ayon kay Sotto.

Nitong Lunes, sinabi ni Marcos na plano niyang magsagawa ng reorganisasyon sa DA para igiit na prayoridad ng kanyang administrasyon ang sektor ng agrikultura.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.