DOH: 32 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5 naitala sa Pilipinas
Spread the news on:

Nakapagtala ang Pilipinas ng 32 bagong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant na BA.5.

Dahil dyan ay umabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng kaso ng nasabing Omicron subvariant sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules, June 22.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa mga bagong kaso, 21 ay mula sa Western Visayas, apat ang mula sa Calabarzon, apat mula sa National Capital Region at tatlo ang mula sa Central Luzon.

Siyam na kaso ay mula sa isang workplace cluster at tatlo ang mula sa sambahayan, ayon pa kay Vergeire.

Sa mga bagong kaso, 30 pasyente ang fully vaccinated na, habang isa lang ang bahagyang nabakunahan at ang status ng natitirang pasyente ay bineberipika pa, dagdag pa ng opisyal.

Lima ang asymptomatic habang 22 ang nakaranas ng banayad na sintomas.

Ang mga sintomas naman ng natitirang mga pasyente ay sinusuri pa, sabi pa ni Vergeire.

“Di pa natutukoy ang exposure ng mga indibidwal at inaalam pa ang mga travel history nito,” paliwanag pa ni Vergeire.

 

(Toni Tambong/Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.