Incoming BIR Comm., susundin ang anumang ipag-uutos ng korte kaugnay sa estate tax ng mga Marcos
Spread the news on:

(File photo: Incoming BIR commissioner Lilia Guillermo. Courtesy: GOVINSIDER)

Sinabi ni incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner Lilia Guillermo na ipauubaya na niya sa korte ang desisyon at aksyon kaugnay sa isyu ng hindi pa nababayarang estate tax ng pamilya Marcos.

Ayon kay Guillermo, na kasalukuyang Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hindi pa niya nababasa ang kabuuang detalye ng kaso.

“Hindi ko pa nakita ang detalye, but I asked the governor [Benjamin Diokno] about it. ‘Sir, baka hindi ko kaya ang issue na yan.’ Sabi niya, hindi na natin issue ‘yan, nasa korte na ‘yan,” ayon kay Guillermo.

Base sa dokumento mula sa Supreme Court, final and executory na ang desisyon ng tribunal noong Marso 1999, kung saan pinagbabayad ang pamilya Marcos ng P23 bilyong estate tax.

Dahil sa interes nito sa loob ng ilang taon, ang halaga ay lumobo na ngayon sa tinatayang P203 bilyon.

Pero nang tanuning si Guillermo kung pangungunahan niya ang pagkolekta ng estate tax ng mga Marcos, sinabing ayaw muna niyang magkomento.

“I do not know the details yet.”

Gayunman, tiniyak ni Guillermo sa publiko na susundin niya kung anuman ang ipag-uutos ng korte.

“Basta ako, magco-comply ako, whatever the courts tell me to do,” sabi ng susunod na hepe ng BIR.

 

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.