Covid-19 Boosters para sa mga 12-anyos pataas, aprubado na ng DOH
Spread the news on:

Aprubado na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng unang Pfizer booster para sa mga 12 hanggang 17 taong-gulang.
Kinumpirma ito mismo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie sa media viber group.
Ayon kay Vergeire, binabalangkas na ng DOH  ang guidelines nito at inaasahang mailalabas na sa lalong madaling panahon.
“Yes, guidelines are being drafted already by DOH”, sabi ni Vergeire .
Matatandaang inirekomenda ng Health Technology Assessment Council o HTAC kay Duque ang paggamit ng Pfizer vaccine bilang booster shot  sa nasabing age group.
Sa panayam naman ng ABS-CBN Teleradyo, sinabi ni Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani na bukas ang maraming magulang sa pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga anak.
“I think okay naman sila kasi nga gusto nila ang mga bata, makapasok na rin, face-to-face, and then siyempre iniisip natin lahat yan, mas magiging mobile ang mga tao and we will really have to normalize soon”, sabi ni Gloriani.
Ang emergency use authorization o EUA para sa Pfizer bilang booster shot sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang ay inamyendahan ng Food and Drug Administration o FDA.

(Jocelyn Domenden/NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.