Suporta para kina Piolo at Lovi sa screening ng ‘Flower of Evil’ bumuhos
Spread the news on:

(Photo: Piolo Pascual at Lovi Poe sa celebrity screening ng kanilang bagong teleserye na ‘Flower of Evil’ June 19, 2022. Courtesy: ABS-CBN PR Instagram)

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Lovi Poe sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang unang teleserye bilang kapamilya, kasama ang leading man na si Piolo Pascual.

Bibida si Lovi sa Philippine adaptation ng Korean thriller series na ‘Flower of Evil.’

Iikot ang kwento nito tungkol kay Jacob (Piolo) na binago ang kanyang pagkatao para itago ang madilim na nakaraan, hanggang sa nakilalala niya at naging asawa si Iris (Lovi) na isang detective.

Sa idinaos na celebrity screening nitong Linggo, June 19 sa Powerplant Mall, Rockwell, Makati, all-out ang suporta ng mga kasama sa industriya para kina Lovi at Piolo.

Kabilang sa mga dumalo si Moira dela Torre na kumanta ng theme song ng serye na “Dito Ka Lang.”

Present din ang mga cast na sina Agot Isidro, Joross Gamboa, JC de Vera, Denise Laurel, Epy Quizon at iba pang stars.

Maging ang mga kaibigan ng mga bida na sina Francine Diaz at Alora Sasam ay todo-suporta.

Pinost naman ni Lovi sa kanyang Instagram account ang ilang behind-the-scene clips, na inilarawan niyang isa sa pinaka-challenging na ginawa niya bilang aktres.

 

(Courtesy: Lovi Poe Instagram)

“I had to hold my breath underwater, fake swim in a harness, swim to Piolo, and more without breaking character,” ayon kay Lovi tungkol sa makapigil-hiningang eksena.

“Thank you Direk, and to this exceptional team of creatives — we can’t wait to show you the final scenes,” dagdag ni Lovi.

Malaking karangalan naman para kay Piolo na mapiling unang leading man ni Lovi bilang artista ng ABS-CBN.

“I got kilig when they told me its gonna be her. They said there’s gonna be someone transferring from another station and I was like okay until they told me who it was,” sabi ni Piolo sa interview ng ABS-CBN.

Unang mapapanood ang ‘Flower of Evil’ sa June 23 at 24 sa streaming platform na VIU, at sunod na ipalalabas sa TV broadcast sa June 25 sa Kapamilya Channel at A2Z.

(NP)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.