Sa wakas! Steph Curry, NBA Finals 2022 MVP
Spread the news on:

Matapos magkampeyon sa NBA ng tatlong beses, sa ikaapat na pagkakataon, nagawaran na rin ng MVP award ang Golden State Warrior Steph Curry.

Gumawa ng 34 points si Curry sa final na naghatid sa Warriors sa ikaapat na NBA title laban sa Boston Celtics, 103-90.

“I’m so proud of our group, I thank god every day that I get to play this game with some amazing people,” ayon kay Curry na emosyunal nang gawin ang pahayag.

“This is what it’s all about, especially after everything we’ve gone through in the past three years.”

Bukod pa sa MVP award, iginawad din kay Curry ang Magic Johnson Western Conference MVP, at noong February naman, siya rin ang tinanghal na All-Star Game MVP.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.