Microsoft ireretiro na ang Internet Explorer
Spread the news on:

(Stock image. Courtesy: Geralt via Pixabay)

Inanunsyo ng Microsoft na ireretiro na nito ang Internet Explorer, ang Internet browser na inilunsad nito 25 taon na ang nakalilipas at naungusan na ng mga kalaban tulad ng Google Chrome at Apple Safari.

Sa halip, sinabi ng Microsoft na itutuon nito ang pansin sa isa pang browser nito na Microsoft Edge.

“We are announcing that the future of Internet Explorer on Windows 10 is in Microsoft Edge,” ayon sa blog post ng Microsoft na inilabas nitong Miyerkules.

“Not only is Microsoft Edge a faster, more secure and more modern browsing experience than Internet Explorer, but it is also able to address a key concern: compatibility for older, legacy websites and applications,” dagdag pa nito.

Ayon sa kumpanya, ipatutupad ito simula ngayon, June 15, 2022.

Samantala, tinyak ng Microsoft na ang Internet Explorer-based websites at applications ay patuloy na gagana sa Microsoft Edge hanggang 2029.

Sa kasalukuyan, kontrolado ng Google Chrome ang 65 percent ng merkado, ayon sa Statscounter. Ang Safari naman ng Apple ay may 19 percent market share, ang Firefox ay may 3.59 percent, at ang Edge ay may 3.39 percent market share.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.