Ikalawang round ng Squid Game tuloy na tuloy na sa season 2 sa Netflix
Spread the news on:

(Squid game cast Anupam Tripathi, Park Hae-soo, director Hwang Dong-hyuk, Lee Jung-jae at O Yeong-su sa Netflix event sa Los Angeles, California, June 12. Photo: Courtesy: Netflix; Charley Gallay for Getty via Queue Twitter)

Magbabalik ang global megahit series na Squid Game sa second season, ayon sa Netflix.

Ang dark Korean drama ay ang pinakapatok na series sa Netflix nang ito ay ipalabas noong September 2021. Kuwento ito ng pagsabak ng mga desperadong contestants sa madugong palaro para sa pagkakataong manalo ng limpak-limpak na salapi.

Ayon sa writer at direktor na si Hwang Dong-hyuk, magbabalik sina Lee Jung-jae sa papel na Gi-hun at Lee Byung-hun sa papel na The Front Man. Posible rin aniyang magbalik si Gong Yoo na siyang nag-recruit kay Gi-hun sa Squid Game sa pamamagitan ng larong “ddakji” sa subway station.

“You’ll also be introduced to Young-hee’s boyfriend,” ayon pa sa direktor. Si Young-hee ang motion-sensing animatronic doll na tampok sa palarong “red light, green light.”

 

Nitong June 12 ay dumalo ang cast ng “Squid Game” sa Netflix event sa Los Angeles, California, kabilang ang beteranong aktor na si O Yeong-Su na hinangaan sa papel na Oh Il-Nam o player number one.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.