Donaire bagsak agad kay Inouye sa 2nd round
Spread the news on:

(Photo courtesy: sportingnews.com)

Bumagsak si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa kamay ni champion Japanese fighter Naoya “The Monster” Inoue sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan nitong Martes.

Ang laban ay tinapos ni Inoue sa loob ng dalawang rounds sa ginanap na unification match.

Sa unang round pa lamang ay pinatikim na ni Inoue kay Donaire ang kanyang bagsik, at bago matapos ang round ay pinabagsak niya ang Pinoy sa pamamagitan ng right hook sa panga.

‘Saved by the bell’ si Donaire ngunit halata ang panlalambot ng kanyang katawan sa ikalawang round.

Sa 2nd round, nakabato pa ng suntok si Donaire at sumubok kumana ng ilang kumbinasyon ngunit nabasa ito ni Inoue at nakaganti ng solid na suntok sa Pinoy boxer.

Sa huli, pinadapa ng Hapon ang Pinoy sa ikalawang round.

“Inoue got me really good,” inamin ni Donaire sa kanyang YouTube channel. “It’s so crazy, I didn’t see the punch coming. I went blank.”

“I was always going to keep fighting. I’m glad the referee stopped the fight because I’m always going to stand up that’s part of me, I don’t have any quit in me,” dagdag ng 39-year old Fil-Am fighter.

Dahil sa kanyang pagkatalo, nawala kay Donaire ang WBC bantamweight title.

Sinabi naman ng kampo ni Inoue na susubukan nilang maging undisputed champion sa bantamweight division at hahabulin nila si Paul Butler na may hawak ng WBO bantamweight belt.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.