Kris Aquino pupunta ng Amerika para ipagamot ang autoimmune disorder na EGPA
Spread the news on:

Kinakailangang bumiyahe ni Kris Aquino patungong Amerika para magpagamot ng kanyang sakit na Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA).

Ito’y pambihirang autoimmune disorder na sanhi ng inflammation o pamamaga ng bood vessel o tissues.

Sa instragram post nitong Biyernes, June 3, isinapubliko ni Kris ang paliwanag ng kanyang Filipino-American physician na si Dr. Niño Gavino, na nakabase sa Houston, Texas kaugnay sa pambihirang sakit na tumama sa actress-host.

Nagpasalamat si Kris sa mga nagdarasal para sa kanya.

“I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart,” ayon sa post sa IG ng ‘Queen of all media.’

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

Base sa post ni Kris, sinabing isa sa kada isang milyong tao ang maaaring tamaan ng EGPA.

62% ang tsansang magtagal ng limang taon ang pasyenteng may sakit nito, kung may proper treatment.

25% naman ang 5-year survival rate kung walang gamutan.

Ito ang paliwanag ni Dr. Niño Gavino kaugnay sa sakit, base sa Instagram post ni Kris:

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.