South Korean Embassy sa Pilipinas tatanggap na muli ng tourist visa applications
Spread the news on:

(Photo courtesy: James Kim/Pixabay)

Tatanggap na muli ng tourist visa at iba pang visa applications ang South Korean Embassy sa Pilipinas simula June 1.

“We hope that this resumption of visa processing service will promote people-to-people exchanges between Korea and the Philippines via tourism,” ayon sa advisory ng embahada.

Ayon sa embahada, ang multiple-entry visas na inaprubahan bago ang April 5, 2020 ay maaari na ring gamitin sa pagbiyahe nang walang re-application.

Batay sa guidelines, ang mga bibiyahe sa South Korea ay kailangang magpakita ng negative RT-PCR test na kinuha nang 48 oras, o rapid antigen test na kinuha nang 24 oras, bago ang departure date.

“In principle, unvaccinated passengers will not be exempted from quarantine while vaccinated passengers will be exempted from quarantine,” paliwanag ng embassy. “Online vaccination registration is required via Q-CODE before departure.”

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.