P2,000 extra honoraria para sa poll workers na nag-overtime noong halalan aprubado na
Spread the news on:

(Photo: Pila ng mga botante sa isang eskuwelahan nitong May 9, 2022 elections)

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang dagdag na P2,000 honoraria sa mga guro na nag-overtime noong halalan dahil sa mga nagkaaberyang vote-counting machines (VCMs).

“We are just determining the precincts where machines malfunctioned and the staff that served there. It’s P2,000 across the board,” sabi ni Comelec Commissioner George Garcia nitong Biyernes.

Bukod sa mga guro na nagsilbing electoral board, bibigyan din ng karagdagang bayad ang support staff at technicians sa parehong halaga.

Target ng Comelec na simulan ang pamamahagi ng dagdag na honoraria bago sumapit ang Mayo 25, alinsunod sa batas.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10756 o Election Service Reform Act, dapat ibigay ang allowances at honoraria ng poll workers sa loob ng 15 araw pagkatapos ng election day.

“We [at the Comelec] really don’t have an approved budget for [additional compensation for the teachers]. We just got funds from our savings,” ayon kay Garcia.

Una nang hiniling ni Education Secretary Leonor Briones sa Comelec na bigyan ng P3,000 extra compensation ang mga guro na nag overtime.

Noong 2019 elections, P2,000 din ang natanggap ng mga teacher na naglaan ng dagdag na oras sa pagsilbi sa halalan.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.