Hanggang P4 dagdag-presyo sa gasolina inaasahan sa Martes, May 24
Spread the news on:

Inaasahan ang dagdag sa presyo ng gasolina, at bawas naman sa presyo ng diesel, sa darating na Martes, May 24.

Base sa taya ng mga taga-oil industry, posibleng magpatupad ng rollback na P2.00 hanggang P2.20 sa diesel.

Pero ang gasolina ay nakikitang magtataas ng presyo mula P3.80 hanggang P4.00 kada litro.

Kabilang sa mga dahilan ng price hike sa gasolina ay ang pagluluwag ng lockdown restrictions sa China at simula ng driving season sa Amerika.

Nitong nagdaang Martes, May 17, nagpatupad ng bawas-presyo sa gasolina na P0.40 per liter, ang diesel naman P3.10 per liter at kerosene ay P2.10.

Base sa monitoring ng Department of Energy, ang presyo ng gasolina sa Quezon City na pinakamalaking lungsod sa NCR ay naglalaro na ngayon sa P69.55 to P81.95 per liter at ang diesel prices ay nasa  P73.35 to P80.61 kada litro.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.