Delivery rider nakuha na ang P33 M jackpot prize sa 6/45 Megalotto
Spread the news on:

(Image courtesy: Philippine Charity Sweepstakes Office Facebook)

Nakuha na ng isang delivery rider ang napanalunan niyang P33.070 milyon na jackpot prize sa Megalotto 6/45 mula sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Masuwerteng nahulaan ng delivery rider ang winning combination na 42-05-10-30-27-19 sa 6/45 Megalotto na ibinola noong Abril 20, 2022.

Ayon sa PCSO, ang mga numerong ito ay kombinasyon ng birthdate at mga edad ng miyembro ng pamilya ng rider.

“Iniisip ko po na ito po ang kaloob ng Diyos sa akin, dahil sa nakaraang dalawang taon na nasa pandemya tayo hindi po kami tumigil sa pagtatrabaho at paghahatid ng mga pagkain at parcel sa mga taong hindi makalabas ng kanilang tahanan,” ayon sa rider sa inilabas na pahayag ng PCSO.

Sinabi ng delivery rider sa PCSO na plano niyang magtayo ng negosyo mula sa kanyang napanalunan.

Sa Superlotto 6/49 draw naman nitong Martes, Mayo 10, isang mananaya ang nanalo ng mahigit P71 milyon.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.