Bantay-boto mobile app inilunsad ng 1Sambayan
Spread the news on:

(Paglulunsad ng HOPE mobile app ng 1Sambayan, April 22. Photo courtesy: Neri Colmenares Twitter)

Naglunsad ng bagong mobile app ang election coalition na 1Sambayan upang protektahan ang mga boto sa May 9.

Ang app ay tinatawag na HOPE (Honest Open Philippine Elections) at libre ang pag-download nito sa mobile phones.

“The purpose of the HOPE app is to empower every Filipino voter to protect not only his or her vote, but also the vote of all voters in his or her precinct. [This will] ensure that all the votes cast in his or her precinct are not tampered with by hackers or cheaters,” ayon kay 1Sambayan lead convenor retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Magpapakalat ang 1Sambayan ng poll watchers na magbabantay sa mga boto sa pamamagitan ng HOPE app.

Ayon kay Carpio, matutukoy ng app kung ang electronic transmission ng election results mula sa presinto patungo sa local at national servers ay dinoktor o dinaya.

Puwedeng kuhanan ng retrato ng botante ang election return ng kanyang presinto para sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at senador kapag sarado na ang botohan sa May 9.

Lahat ng retrato ay awtomatikong ita-transmit sa HOPE counting center sa Makati City.

“So, the HOPE app is also a quick count app – quicker than any quick count in Philippine election history,” paliwanag ni Carpio.

Maaari ring kunan ng retrato ng botante ang system hash code sa ibabang bahagi ng election return. Ayon kay Carpio, kung dinoktor ang election return, hindi lilitaw ang system hash code.

“Any tampering of the electronic transmission of the Election Results from the precincts to the local or national servers will easily be discovered and exposed,” aniya

Hinimok ni Atty. Howard Calleja, 1Sambayan co-convenor, ang lahat ng mga botante na i-install na ang HOPE app. “With this app…every Filipino can be a poll watcher,” ayon kay Calleja.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.