Dalawang mananaya, instant milyonaryo matapos maka-jackpot sa lotto
Spread the news on:

Instant milyonaro ang dalawang mananaya sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay matapos na manalo ang bawat isa ng jackpot prize sa Ultralotto 6/58 at Superlotto 6/49 sa katatapos na draw kagabi, March 20.

Ayon sa pahayag ng ahensya, nabili ng masuwerteng mananaya ng Ultralotto 6/58 ang winning ticket sa Maynila na may kombinasyon na 29-05-03-11-08-42.

Ito ay may katumbas na premyong P79,699,584.80.

Nasa 50 indibidwal naman ang mkakapag-uwi ng tig-P120,000.00 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.

Sa Superlotto 6/48 naman, isang mananaya mula sa Bicol ang nakakuha ng jackpot prize na may premyong P67,803,235.40.

Ayon kay PCSO General Manager Royina M. Garma, nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang tiket mula sa isang outlet sa Legazpi City, Albay na may kombinasyon na 09-04-17-12-02.

76 katao naman ang nakakuha ng lima sa anim na kombinasyon na makakapag-uwi ng tig-P50,000.00.

Hinimok naman ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang madagdagan ang pondo na pantulong ng ahensya sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan lalo na ang walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.

Para naman makolekta ang napanalunan, kailangang pumunta sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid IDs at siyempre ang kanilang winning ticket.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.