Isang taga-Rizal, nanalo ng higit P12.5-M jackpot sa lotto
Spread the news on:

Napanalunan na ang lotto jackpot sa bola kagabi, March 5.

Instant milyonaryo ang mananaya mula sa lalawigan ng Rizal makaraang solo nitong mapanalunan ang jackpot prize ng Lotto 6/42 na P12,537,017.20.

Ang winning combination ay ang mga numerong 18-34-33-39-11-36.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa isang outlet sa Taytay, Rizal tumaya ang lotto winner.

Ang 6/42 lotto ay binobola tuwing Martes,Huwebes at Sabado.

Pitong indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.

Samantala, tatlong indibidwal ang makapag-uuwi ng tig-P100,000.00 matapos na mahulan ng mga ito ang lima sa anim na kombinasyon ng Grandlotto 6/55 na 43-15-39-42-13-49 at may jackpot prize na P77,187,174.80

Upang makubra ang panalo, kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa main office ng PCSO at magprisinta ng valid identification card at ang kanyang lucky ticket.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.