P62M jackpot prize sa Megalotto, tinamaan ng solo winner
Spread the news on:

(Photo courtesy: PCSO)

Instant milyonaryo ang isang mananaya matapos na matumbok ang mahigit P62 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 18, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na winning combination sa naturang draw ay 31-30-06-04-29-16.

Aabot sa P62,756,225.80 ang jackpot prize kung saan solong mananaya ang maswerteng nakahula rito.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58.

Ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 47-58-12-18-31-44, at may kabuuang papremyo na P49,500,000.00.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.