Magsasakang 80-anyos multi-milyonaryo na matapos tumama sa 6/49 Superlotto
Spread the news on:

(Photo courtesy: PCSO)

Instant multi-milyonaryo ang isang 80-anyos na magsasaka matapos na tamaan ang jackpot sa Superlotto 6/49 draw noong Jan. 16, 2022.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), pumalo sa P142,679,606.40 ang napanalunang jackpot.

Ang winning number combination ay 02-05-04-31-01-46.

Sinabi ng winner na 15 taon na niya itong tinatayaan at nabili niya ang ticket sa isang lotto outlet sa Abuyog, Albay.

Nakuha naman ng isang medical frontliner mula sa La Union Province ang premyong P70 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Enero 14, 2022.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.