Kaya mayroon nang 535 na kabuuang Omicron variant cases bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), 332 dito ay local cases habang 160 ang returning overseas Filipinos (ROF).
Karamihan ay may address mula sa National Capital Region na may 227 kaso, CALABARZON na may 76 kaso , Central Luzon-11, Central Visayas-5 habang mayroong tig dalawang kaso Cagayan Valley, Western Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Cordillera Administrative Region (CAR).
Bukod dito, may tig-isa ring kaso sa Ilocos Region, MIMAROPA at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.
Base sa case line list, tatlong kaso ang nanatiling aktibo, dalawa ang namatay at 467 kaso ang na-tag na recovered habang 20 kaso ang biniberipika pa.
Ang 492 Omicron variant cases ay mula sa 714 samples na na-sequenced sa huling batch ng whole genome sequencing noong January 13-14, 2022 ayon sa Department of Health (DOH).
Samantala, noong Lunes ay nakapagtala ang Central Visayas ng karagdagang 22 Omicron variant cases.
Dahil dito, ayon sa Department of Education sa Central Visayas, sinuspinde ng ilang mga syudad sa rehiyon ang klase dahil sa tumataas na COVID-19 cases.
Kabilang dito ang Cebu City, Talisay City at Carcar City sa Cebu.
Ang Bais City sa Negros Oriental ay humirit din ng health break.
Kahit pa tumaas ang Omicron variant, nananatili pa rin ang ibang Covid-19 variant sa bansa.
Mayroon pa ring 115 Delta variant case at isang kaso ng Alpha variant.
Dalawa dito ay aktibong kaso, 2 ang namatay, 107 ang gumaling at 4 pa ang biniberipika.
Sa mga kasong ito, ang Delta variant case sa bansa ay umabot na sa 8,612.
Nakarekober na rin ang karagdagang isang Alpha variant case, ayon sa DOH.
Ang Alpha variant sa bansa ay umabot na sa 3,170.
(Jocelyn Domenden/Toni Tambong)
Leave a Reply