Spread the news on:

Inihayag ng Department of Health na naobserbahan nila ang pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.
Sinabi ito ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman sa isang briefing sa House committee on health nitong Martes.
“We have now observed an increase in cases across all regions and all provinces, highly-urbanized cities and independent component cities but there are still areas whose counts are lower than what we are seeing now in the NCR Plus but we’re already seeing continuous and swift increases,” ani De Guzman.
Binanggit din niya na ang pagtaas ng kaso ng virus sa National Capital Region at mga karatig-probinsya, ay mas mataas kumpara sa peak na naobserbahan noong Setyembre 2021 sa kasagsagan ng Delta coronavirus variant.
Ani De Guzman, ang pagtaas sa mga kaso ay dulot ng Omicron variant.
Nitong Lunes ng gabi ng iulat ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatiling critical risk pa rin ang Pilipinas sa COVID.
Kabilang din sa critical risk areas ang NCR, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Ilocos Region, Calabarzon, at Central Luzon. Toni Tambong

Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.