Lacson: Mga apektado ng “no vax, no ride” policy, maaaring magdemanda
Spread the news on:

(Photo: Dong Del Mundo)

Maaaring maghain ng class suit ang mga naapektuhan ng “no vax, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon sa mambabatas at presidential aspirant, maraming kabuhayang naapektuhan dahil sa patakaran.

“Those affected by the policy may avail of legal remedies like a class suit. But that is if they are prepared for a protracted legal battle,” pahayag ni Lacson.

Kinuwestiyon din ng senador kung bakit ngayon lamang nilinaw ng gobyerno na exempted sa “no vax, no ride” policy ang mga manggagawang papasok sa trabaho.

Ayon sa ilang ulat, halos 1,700 commuters ang naapektuhan ng patakaran noong Lunes, Jan. 17.

(In photo: Pagpapatupad ng “no vax, no ride policy”)

Hirit ng senador, dapat sana ay pinayagan ng gobyerno ang business sector at mga pribadong kumpanya na magsagawa ng vaccination drive gamit ang sarili nilang pondo nang sa gayon ay mas maraming manggagawa sana ang nabakunahan na.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na malinaw na hindi pinag-aralan nang husto ang “no vax, no ride” policy.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.