DOH: Covid-19 cases, tumaas sa lahat ng rehiyon sa bansa dahil sa Omicron variant
Spread the news on:

Naobserbahan ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman sa isang briefing sa House committee on health, Martes, January 18.

“We have now observed an increase in cases across all regions and all provinces, highly-urbanized cities and independent component cities but there are still areas whose counts are lower than what we are seeing now in the NCR Plus but we’re already seeing continuous and swift increases,” sabi ni De Guzman.

Binanggit din ni De Guzman na ang pagtaas ng kaso ng virus sa National Capital Region at mga karatig-probinsya ay mas mataas kumpara sa peak na naobserbahan noong Seeptember 2021 sa kasagsagan ng Delta coronavirus variant.

Sabi pa ni De Guzman, ang pagtaas ng mga kaso ay dulot ng Omicron variant.

Matatandaang noong Lunes ng gabi ay iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatiling critical risk pa rin ang Pilipinas sa COVID-19.

Kabilang din sa critical risk areas ang NCR, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Ilocos Region, Calabarzon at Central Luzon.

(Toni Tambong)

Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.