Alden Richards concert, lahat ng kikitain ay mapupunta sa pagpapa-aral ng scholars
Spread the news on:

Excited na si Alden Richards sa kanyang digital concert sa January 30 na pinamagatang “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.”

Lahat kasi ng kikitain ng concert ay mapupunta sa kanyang AR Foundation para sa pagpapa-aral ng mga kabataang scholar.

“With this concert that we’re having now, all the proceeds of this will go to AR Foundation that will open up doors for more scholars this year, more projects this year,” pahayag ng Kapuso star.

Malapit sa puso ni Alden ang edukasyon at mga kabataan, kaya naman magiging bahagi ito ng mensahe ng kanyang concert na may halong documentary.

“[The concert will] tell a lot of stories about my childhood. Ano yung mga pinagdaanan ko, why I came up with the foundation, bakit ako tumutulong, why I’m sending kids to school,” kuwento ng aktor.

(Poster ng concert ni Alden Richards sa Jan. 30 na pinamagatang “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.” Courtesy: Alden Richards Instagram)

Legacy ni Alden

Proud na ikinuwento ni Alden na ilan sa mga pinaaral ng AR Foundation ay naka-graduate na sa kolehiyo.

“It’s a legacy and dadalhin na nila ‘yun hanggang tumanda sila. And I’m very, very proud of these kids,” masayang pahayag ng aktor.

“I should say na walang ibang investment na makakatalo doon sa na-invest ko dito sa mga batang ito,” dagdag ni Alden.

Kaya masaya ang aktor na ipagpatuloy ang pagpapa-aral sa mas marami pang scholars sa bagong school year, gayundin ang iba pang proyekto ng kanyang foundation.

“May iba pang projects na ina-eye for the next couple of years. Very happy talaga ako sa support ng fans. They know this is for a good cause,” dagdag pa ni Alden.

Una nang inanunsyo na sold-out na ang concert ni Alden, ngunit dahil sa request ng fans, muling nagbukas ang Ticket2Me para sa mga gustong bumili ng tickets at mapanood ang kanilang idol.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.