10 presidential aspirants, pasok sa official ballot sa 2022 elections
Spread the news on:

Pasok ang 10 Presidential candidates sa opisyal na balota para sa May 2022 national elections.

Kinilala ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga ito na sina:

  • Ernie Abella
  • Leody de Guzman
  • Isko Moreno Domagoso
  • Norberto Gonzales
  • Ping Lacson
  • Faisal Mangondato
  • Bongbong Marcos
  • Jose Montemayor
  • Manny Pacquiao, at
  • Leni Robredo.

Siyam naman ang pasok sa listahan ng pagka-bise presidente. Kabilang dito sina:

  • Lito Atienza
  • Walden Bello
  • Rizalito David
  • Sara Duterte
  • Manny Lopez
  • Willie Ong
  • Kiko Pangilinan
  • Carlos Serapio, at
  • Vicente Tito Sotto.

Sa isa pang interview, sinabi ni Jimenez na pasok din ang 64 na kandidato sa pagkasenador pero hindi na niya ito inisa-isa pa.

Noong nakaraang Lunes nang sabihin ni Comelec Education and Information Department (EID) Director Elaiza David na sa mga susunod na araw ay mailalagay na sa website ng Comelec ang listahan para sa overseas voting.

“The ballot face is already out and it will be uploaded to the Comelec website,” ayon kay David.

“However, this ballot face is only for overseas voting and as you know in overseas voting they don’t vote for the local positions. So you are expected to see only the positions for the national level in that particular ballot face,” paglilinaw ni David.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.