PNP: 76 huli sa election gun ban
Spread the news on:

Umabot na sa 76 na indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa paglabag sa election gun ban hanggang nitong Biyernes, January 14.

Batay sa datos ng PNP, lahat ng nahuling violator ay mga sibilyan.

Nakumpiska sa mga naturang violator ang 12 firearms, 148 ammunition at isang deadly weapon, ayon sa PNP.

Naiulat na mula sa Sorsogon, Davao de Oro, La Union, Bulacan, Lanao del Sur, Abra, Negros Occidental, Batangas, Nueva Ecija, Quezon, at Taguig ang mga lumabag sa gun ban.

Aabot naman sa 18,978 checkpoints ang itinalaga sa pagpapatupad ng gun ban.

Alinsunod ito sa ipinalabas na Resolution No. 10728 ng Commission on Election (Comelec) “that prohibits the bearing, carrying, or transporting of firearms or deadly weapons outside residence and in all public places until June 8.”

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.