Pagbabakuna sa edad 0-4 laban COVID-19, pinaghahandaan ng PNP
Spread the news on:

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabakuna sa 0-4 years old laban sa COVID-19 sa bansa.

Sa atas ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos sa mga otoridad, pinaghahanda sila para sa crowd control operations sa pagbabakuna ng nasa 11.11 milyon kabataan sa nasabing age group.

“Unlike the previous vaccination roll-out, this time we are talking about very young vaccinees like babies and toddlers. We need to be extra careful in handling them,” pahayag ni Carlos.

Dagdag pa ni Carlos na sana ay maiskedyul ng maayos ang pagbabakuna sa 0-4 age group para hindi humalo sa mga matatanda.

“I hope that they can be scheduled well, so as not to blend with the bulk of the adults especially since the administration of booster shots is ongoing,” dagdag pa ng PNP chief.

Sinabi pa ni Carlos na kapag binigyan na sila ng signal ng pamahalaan, magtatalaga ng otoridad sa vaccination sites na magbabantay sa implementasyon ng minimum health protocols.

“There is always a tendency that these venues may be overwhelmed with those who are waiting for their turn to be vaccinated. This is what we would like to avoid especially in the presence of infants or younger children. Physical distancing must strictly be implemented,” paliwanag ni Carlos.

Matatandaang inanunsyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na tina-target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 90 milyong Pilipino bago matapos ang Hunyo, kabilang dito ang pinakabatang age group.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.