Metro Manila, naitala ang lowest temperature ngayong amihan sa 19.7 degrees Celsius
Spread the news on:

Naitala ng Metro Manila ang pinakamababang temperatura ngayong panahon ng amihan sa 19.7 degrees Celsius, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang malamig na temperature ay nag-rehistro kaninang 5:30 ng umaga sa PAGASA Science garden station sa Quezon City, ayon pa rin sa weather bureau.

Dagdag pa ng PAGASA, ang top 10 stations na nagtala ng pinakamababang temperature sa bansa ngayong Linggo ng umaga ay ang mga sumusunod:

• Baguio City, Benguet – 11.0°C

• Tanay, Rizal – 18.0°C

• Casiguran, Aurora – 18.6°C

• Laoag City, Ilocos Norte – 18.6°C

• Malaybalay, Bukidnon – 19.0°C

• Basco, Batanes – 19.1°C

• San Jose, Occidental Mindoro – 19.1°C

• Sinait, Ilocos Sur 19.5 °C

• Science Garden, Quezon City – 19.7°C

• Abucay, Bataan- 19.8 °C

Ayon sa PAGASA, naitala ng Metro Manila ang pinakamababang tempaeratura sa 14.5 degrees Celsius noong January 11, 2014.

Noong Dec 31, 2021, naitala ng Benguet ang pinakamalamig na temperature sa 7.7 degrees Celsius.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.