(Manila PIO)
Posibleng gamitin bilang vaccination site para sa mga menor de edad at edad 60 pataas ang Manila Zoo.
Ito ang pinag-aaralan ngayon ng pamahalaang lungsod ng Maynila, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Aniya target ng Manila LGU ang bagong renovate na recreational park bilang karagdagang vaccine center sa susunod na mga linggo.
“In a matter of few hours, in a matter of day or two, 48 hours or 24 hours, makakakuha na kayo ng abiso sa ‘min,” ayon kay Domagoso .
Tiniyak din nito na masusunod pa rin ang alituntunin ng IATF kung saan lilimitahan lamang sa 500 o 1,000 katao kada araw ang papapasukin dito.
Ayon pa kay Domagoso, ang planong ito ayon aprubado na rin ng medical experts.
Ang hakbang ay matapos na makita ng pamahalaang lungsod ang pagdami ng mga indibidwal na gustong mabakunahan.
Leave a Reply