Covid-19 cases bahagyang bumaba ngayong araw; 37,154 infections, naitala ngayong January 16
Spread the news on:

Bahagyang bumaba ngayong araw ang bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Pero kahit may kaunting pagbaba, nananatili pa rin ang bilang ng mga kaso ngayon na isa sa pinakamataas sa bansa. Katunayan, ito ang masasabing third highest count o ikatlong pinakamataas na kaso.

Ngayong araw, January 16, naitala ng  Department of Health ang 37,154 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Nananatiling mataas rin ang mga Pilipinong kasalukuyang maysakit ng dahil sa virus.

Sa limang magkakasunod na araw, naitala rin ang record-high na active cases sa 287,856.

Naitala naman ang kabuuang kaso sa 3,205,396.

Mayroon namang 30,037 na gumaling at 50 na pumanaw kaya umakyat na sa 52,907) kabuuang bilang ng namatay.

Samantala, 12 laboratoryo naman a g hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nananatili naman mataaas ang positivity rate sa 47.4% base na rin sa mahigit 81,000 na tests na naiulat noong January 14.

Ibig sabihin nito, isa sa dalawang taong na-test ang nagpositibo sa COVID-19.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.