Comelec hacking, pinabulaanan ng NBI
Spread the news on:

Pinabulaanan ng National Bureau of Investigation (NBI) na may naganap na hacking sa Commission on elections (Comelec) warehouse sa Laguna.

Nagsagawa ang mga kinatawan ng NBI at Comelec ng site inspection sa warehouse ng Comelec sa Sta. Rosa, Laguna nitong Sabado kasunod ng mga ulat ng hacking ng mga datos para sa 2022 elections.

“Tinignan natin yung configuration saka testing area, we are convinced na hindi rito nangyari, walang nangyaring hacking,” pahayag ni NBI officer-in-charge Eric Distor.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinakilos na ang NBI cybercrime division at special project team matapos humingi ng tulong ang Comelec sa NBI.

“Certain documents were turned over to the NBI for validation and authentication. A thorough investigation is now in progress,” pahayag ni Guevarra. “We have tasked our cybercrime division as well as the NCR (National Capital Region) and special project team to closely coordinate with the Comelec. We are closely coordinating with the proper authorities through their IT for any development,” dagdag ni Distor.

Samantala, siniguro ng poll body na hindi naka-konekta sa internet o kahit na anong network ang sistema nito na dahilan upang maging exposed sa hacking.

“Nakita naman nila na stand alone yung ating system is not connected in the internet or any network and itong aming data is hindi pa nag-gegenerate so wala ka pang puwedeng makuha dito kasi wala pa tayong data na na-generate dito sa Sta. Rosa,” ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.