Robin Padilla ipinagtanggol si Kris Aquino laban sa bashers sa gitna ng karamdaman ng aktres
Spread the news on:

Ipinagtanggol ng action star na si Robin Padilla ang TV host-actress na si Kris Aquino sa mga bashers, at nanawagang tigilan na ang pambabatikos sa aktres na lumalaban ngayon sa kanyang karamdaman.

Kumalat sa social media ang video ng aktres kung saan makikita ang hindi magandang kalusugan niya.

Sa kabila ng kalagayan ni Kris, naglabasan ang mga negatibong komento ng ilang bashers na hindi nagustuhan ng actor nang kanyang mabasa.

Nagpost ng mensahe ang actor sa kanyang Facebook page para makiusap sa mga tumutuligsa sa aktres na huwag nang pagsalitaan pa nang mga masasakit si Kris.

“Mga mahal kong kababayan, ako po ay nag-aalala kay Ms. Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino,” ayon kay Robin.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay Ms. Aquino na magpaka-makatao muna kayo. Hindi naman po tayo bulag para makita na may dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumadaraan sa gamutan,” panawagan ng aktor.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang taong may karamdaman. Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipanalangin po natin ang kanyang kalusugan,” pagtatapos ng mensahe ni Robin.

Marami namang sumang-ayon sa panawagan ni Robin, sabay sabing kailangan pa rin mundo ang kabaitan sa kapwa, lalo na sa may sakit, at walang lugar dito ang pulitika at personal na paniniwala.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.